Basic information

Filipino

Ano ang TWC2?

Ang Transient Workers Count too (TWC2) ay isang non-government charity organisation sa Singapore. Tumutulong kami sa mga dayuhang manggagawa na nahaharap sa mga paghihirap na may kaugnayan sa kanilang pagtatrabaho sa Singapore. Hindi kami naniningil para sa aming tulong.

Kami ay malapit na nakikipag ugnayan sa Ministry of Manpower (MOM) upang makuha ang pinakamahusay na posibleng solusyon para sa iyong kaso. Hindi lahat ng mga kaso ay maaaring malutas nang matagumpay, ngunit sa aming tulong, ang lahat ng mga posibleng solusyon ay ating tu-tuklasin / susubukan.

Sino ang mga natutulungan natin

Nagbibigay ng tulong ang TWC2 sa lahat ng mga dayuhan na nagtatrabaho sa Singapore. Kasama rito ang mga may Work Permits at S-Passes.

May kaalaman sa batas

Karaniwang hindi alam ng mga dayuhang manggagawa and batas. Ngunit ang TWC2 ay may kaalaman, at tumutulong kami sa mga manggagawa mula pa noong 2004. Maaari ka naming payuhan kung ano ang iyong mga karapatan, kung ano ang iyong mga alternatibong pagpipilian, at kung ano ang magiging proseso para sa iyong kaso.

Walang abogado na kailangan

Bagaman mahalaga na malaman ang batas, hindi mo kailangang sumangguni sa isang abugado para sa mga problema sa trabaho. Ang mga problema sa trabaho ay hindi karaniwang malulutas sa pamamagitan ng mga korte ngunit nalulutas sa pamamagitan ng MOM. Iyon ang dahilan kung bakit hindi na kakailanganin ng abugado. Sa halip, bibigyan ka ng TWC2 ng lahat ng impormasyong kailangan mo upang ipaglaban ang iyong mga karapatan, at tutulungan kang makipag-usap sa MOM. Tutulungan ka ng TWC2 nang walang kapalit na bayad. Ito ay libreng serbisyo.

Ang mga abogado naman, sa ibang banda ay maniningil ng mahal para sa kanilang serbisyo.

Saan tayo makakatulong

Ang tatlong pinaka karaniwang uri ng mga problema na kinakaharap ng mga dayuhang manggagawa ay:

  • Hindi pagbabayad ng sweldo
  • Mga hindi pagkakaunawaan sa kontrata
  • Pinsala

Hindi pagbabayad ng sweldo

Sa mga kaso ng hindi pagbabayad ng sweldo, papayuhan ka ng TWC2 kung paano makakuha ng katibayan ng tamang pa-sweldo na dapat bayaran ng employer. Pagkatapos tutulungan ka naming makalkula ang eksaktong halaga ng pagkakautang sa iyo ng iyong employer. Kasama rito ang bayad sa overtime, holiday pay at annual leave. Dapat mong kalkulahin gamit ang formula na ayon sa batas, at dito ka matutulungan ng TWC2. Kung minsan kahit and MOM ay nagkakamali sa pag kalkula, ang TWC2 ang tutulong para matiyak na tama ang pag kalkula para sa iyo.

Kung magkakaroon ng pagpupulong sa MOM sa pagitan mo at ng iyong employer. Tuturuan ka namin kung paano sumagot sa mga tanong sa iyong kaso at kung paano mag i-presenta ang mga katibayan na iyong hawak.

Kung hindi pa rin binabayaran ng  iyong employer, tutulungan ka pa rin naming dalhin ito sa MOM.

Kung iyong gugustuhin makakuha ng bagong trabaho. Tutulungan ka ng TWC2 na humingi ng pahintulot sa MOM na maghanap ng bagong trabaho. Kailangan mong makuha ang pahintulot na iyon bago mo ito magawa.

Gayunpaman, ang TWC2 ay hindi isang employment agency (wala kaming lisensya), ngunit maaari ka naming matulungan na makakuha ng pahintulot mula sa MOM.

Mga hindi pagkakaunawaan sa kontrata

Maraming mga dokumento sa Singapore ang nakasulat sa Ingles. Mahihirapan ka minsan na maintindihan kung ano ang sinasabi na detalye nito. Halimbawa, meron kang isang employment contract at hindi ka sigurado tungkol sa mga detalye. Basahin itong mabuti ng TWC2 at ipapaliwanag ito sa iyo.

Kung mayroon kang ilang hindi pagkakaunawaan tungkol sa isang detalye sa dokumento, maaari ka naming payuhan kung ano ang iyong mga karapatan, at magmungkahi ng isang paraan upang malutas ito.

Halimbawa, ang ilang mga manggagawa ay nais na magbitiw sa tungkulin at umuwi na sa bansang pinagmulan, pinapayagan ba ito ng kontrata? Ang iba naman na mga manggagawa na pina-pagtrabaho ng napakahaba na oras, pitong araw sa isang linggo, at sinabi ng employer na nasa kontrata ito. Halika sa TWC2 at tutulungan ka naming makahanap ng solusyon.

Pinsala

Ang pagkakaroon ng pinsala ay isang napaka-seryosong problema. Hindi ka lamang makakatrabaho, kailangan mo ng paggagamot na napakamahal sa Singapore. Kung hindi ka bibigyan ng medikal na tulong ng iyong employer, ano ang maaari mong gawin? Papayuhan ka ng TWC2 tungkol sa iyong mga karapatan sa ilalim ng batas, at tutulungan kang makuha ang panggagamot na kailangan mo.

Ang isang pinsala na naganap sa trabaho at na nag-iiwan sa iyo ng isang permanenteng kapansanan ay mayroong karapat-dapat na kabayaran o kompensasyon. Papayuhan ka ng TWC2 kung ano ang proseso at kung ano ang iyong mga pagpipilian.

Maraming mga manggagawa ang sumasanguni sa mga abugado para dito. Ngunit Ito ay  hindi mo kinakailangan. Bukod dito, ang abugado ay kukuha ng porsyento bilang kanyang kabayaran. Nangangahulugan ito na makakakuha ka ng mas kaunti na halaga.

Saan kami matatagpuan at makokontak

  1. Maaari kang tumawag sa +65 6297 7564 o 1800 888 1515 tuwing Lunes hanggang Biyernes mula 9 ng umaga hanggang 9 ng gabi.
  2. Maaari kang magpadala ng mensahe sa WhatsApp sa +65 6297 7564 anumang oras.
  3. Ang numero ng telepono ng aming tanggapan ay +65 6247 7001 tuwing Lunes hanggang Biyernes mula 9 ng umaga hanggang 6 ng gabi
  4. Maaari ka ring pumunta sa aming tanggapan tuwing Lunes hanggang Biyernes mula 9 ng umaga hanggang 5 ng hapon.

Aming address ay

Transient Workers Count Too
180B Bencoolen Street #09-01
The Bencoolen
Singapore 189648.

Tingnan ang mapa sa ibaba, na nagpapakita rin ng pinakamalapit na mga istasyon ng MRT.

What is TWC2?

Transient Workers Count Too (TWC2) is a non-government charity organisation in Singapore. We assist foreign workers who are facing difficulties in relation to their employment in Singapore. We do not charge for our assistance.

We work closely with the Ministry of Manpower (MOM) to get the best possible solution for your case. Not all cases can be solved successfully, but with our help, all possible solutions will be explored/tried.

Who we help

TWC2 provides assistance to all foreigners working in Singapore. This includes those on Work Permits and S-Passes.

Need to know the law

Foreign workers usually do not know the law. But TWC2 knows, and we have been helping workers since 2004. We can advise you what your rights are, what your options are, and what the process will be for your case.

No need for lawyers

Although it is important to know the law, you do not need to engage a lawyer for employment problems. Employment problems are not usually solved through the courts but solved through MOM. That is why no lawyer is needed. Instead, TWC2 will give you all the information you need to fight for your rights, and help you communicate with MOM. TWC2 will help you for free.

Lawyers, on the other hand, will charge you a lot of money for their services.

How we help

The three most common types of problems faced by foreign workers are:

  • Salary non-payment
  • Contract disputes
  • Injury

Salary non-payment

In cases of salary non-payment, TWC2 will advise you how to get evidence of the correct salary that the employer should have paid you. Then we will help you calculate exactly how much your employer owes you. This includes overtime pay, holiday pay and annual leave. You must calculate correctly using the formula in the law, and this is where TWC2 can assist you. Even if MOM calculates for you, sometimes a mistake is made, and TWC2 will check the calculation for you.

Then there will be meetings at MOM between you and your employer. We will teach you how to argue your case and how to present evidence.

If the employer still does not pay, we will help you take the matter further at MOM.

You may also want to get a new job. TWC2 will help you ask MOM for permission to look for a new job. You need to get that permission before you can do so.

However, TWC2 is not an employment agent (we do not have a licence), but we can help you get the permission from MOM.

Contract disputes

Many documents in Singapore are written in English. You may find it difficult to understand what they say. For example, you may have an employment contract and you are not sure about the details. TWC2 will read it carefully and explain it to you.

If you have some dispute about a detail in the document, we can advise you what your rights are, and suggest a way to solve it.

For example, some workers just want to resign and go home, but does the contract allow it? Other workers find that they are made to work very long hours, seven days a week, and the boss says it is in the contract. Come to TWC2 and we will help you find a solution.

Injury

Suffering an injury is a very serious problem. Not only will you not be able to work, you need medical treatment which is very expensive in Singapore. If your employer does not provide you with medical treatment, what can you do? TWC2 will advise you about your rights under the law, and help you get the medical treatment you need.

An injury that took place at work and that leaves you with a permanent disability will be eligible for compensation. TWC2 will advise you what the process is and what your options are.

Many workers engage lawyers for this. It is completely unnecessary. Furthermore, the lawyer will take part of the compensation as his fee. This means that you will get less.

How to find us

  1. You can call +65 6297 7564 or 1800 888 1515 on Mondays to Fridays from 9am to 9pm.
  2. You can send a WhatsApp message to +65 6297 7564 anytime.
  3. Our office phone number is +65 6247 7001 on Mondays to Fridays from 9am to 6pm.
  4. You can also come to our office on Mondays to Fridays from 9am to 5pm.

Our address is

Transient Workers Count Too
180B Bencoolen Street #09-01
The Bencoolen
Singapore 189648.

See the map below, which also shows the nearest MRT stations.